WEBSITE ko to!!!
July 12, 2007 by nightspring
As of July 13, 2007….more than 500 ang average visitors ko araw-araw, at 1,400 page views average per day.
At eto naman ang mga countries na madalas bumisita.
Eto naman ang stat kung gaano katagal magstay ang mga bisita… Madaling araw kasi to, at updated na kaya less than 200 ang visitor total. Ang kinakatuwa ko lang ay mga visitors ako na halos nakababad. Nakakaadik ang statistics. Pwamis
Sa wordpress statistics feature ito naman ang summary nila. Sinimulan ko ang blog na last April 7, 2007. As of July 13, 2007 3:10 A.M. eto ang kaniyang statistics.
Kung bakit eto ang napagka-abalahan ko…. kasi masarap sa pakiramdam ang makilala ang mga taong may parehong interes sayo at nagkakaintindihan kayo. Naiinis din kasi ako sa mga lyrics na pinprovide ng ibang fans diyan. Mali-mali ang lyrics kaya sabi ko magroromanize ako ng sarili ko at kinalat ko ang tamang lyrics sa website ko. Tsaka hitting many birds in one stone nga…
1. kasi ayoko naman istorbohin ang mga friend ko sa friendster sa e-mail nila kaya ako gumawa ng sariling blog.
2. Pagprapractice sa wordpress software para pag desidido na ako maka-control ng website ko talaga, gamay ko na ang software. Ang wordpress… na ginagamit ng mga taong may sariling website. Unti-unti ko na to natutupad.
3. Para makakilala ng mga taong makaka-aapreciate sa pinagpopost ko sa blog. At hindi ako nagkamali. Masarap din ang feeling kapag nakikita mo sa Google Search Engine or Yahoo, ang website mo. Meron ngang isang keyword na nasa number one search result ako eh.
4. Nasabi ko na yung tungkol sa lyrics. Gusto ko maging resource ang website ko para sa mga kapwa ko Korean Addicts. Gusto ko ishare sa kanila ang mga links na napuntahan ko para magamit din nila.
5. Naprapractice ko ang pag-babasa ng Hangul Alphabet / Korean Alphabet.
6. Na-eenhance ko ang pag-iisip ng mga articles for a targeted audience.
7. Kailangan ko isulat ito sa English, so napaprapractice ko ang English pero sa level ng target audience ko, at practicing analysis and creativity at the same time.
8. Nandito ang passion ko ngayon…. wala ako paki kung minsan nakakapagaod as long as may mga visitors ako na walang sawa pabalik-balik… meron akong 110-130 returning visitors according to statistics at 400 unique visitors bawat araw.
So kayo diyan…. kung mayroon kayong isang bagay na masyado kayong passionate, gumawa kayo ng blog. Dapat targeted para mahalin ng visitors. Yung meron silang mapapala. Iwasan niyo magkuwento ng ibat-ibang bagay kasi hindi nmaan nila kayo kilala unless interesado din sila sa topic mo… focused ang topic. Marami diyan ang nag-oofer ng free-hosting service sa blog. At gawin niyong public at ipasa ang url sa mga search engines. Kung may mga tanong kayo o gusto niyo mag-patulong sa akin, sendan niyo ako ng message.
Bye!
wow!!!ü achievement yan…ü yey…at least may pinatunguhan ang pagiging adik mo…ü