Walang direksyong article
August 15, 2006 by nightspring
Ilang buwan na lang at pasko na naman. Magpapalit na naman ng taon…Pag isinishare ko to sa mga friends ko nagagalit sila kasi padaanin ko naman daw ang Halloween bago ako magmuni muni ng ganito. Oo nga naman.
Naisip ko lang naman kase na parang kailan lang ang mga pangyayari at mag-iisang taon na pala yun. Maraming mga ala-alang madadaanan ng mga susunod na buwan mga ala-ala na pipiliting mapagtiisan. Mahirap kasi palang maniwala sa maling akala. Iba ang dulot ng idea ng pasko sa aking ngayong panahong ito at iba na rin ang dulot ng pagpapalit ng taon. Magiging pagsubok para sa akin ang mga susunod na buwan. Hanggang saan nga ba ang matitiis ko? Madami akong tanong na gusto kong masagutan pero wala na rin akong mapapala.
Malapit na talaga magpalit ng taon…halos apat na buwan na lang at 2007 na…ano nga ba ang napala ko ngayong 2006? Pagbabago…pag-asa…marahil yun nga…For the past seven months…nakabalik ako sa aking mga kaibigan noong HS…matagal din akong nangulila sa kanila…matagal din akong nagtiis na hindi ko sila nakakausap. At least ngayon…dami ko na contact…Iba talaga ang UNLIMITXT hehehhe…Nalipat na rin ako ng account…from DR to LMB to DSG…asensado na ah…Natapos ko na rin ang 18 units ko of education…May 50% Scholarship uli ako…Nagtetext na kami ng Papa ko ng sweet nothings at ang kapatid ko…hehehe..Umiyak na rin ako sa harap ng Papa ko with matching “Pa…Baket???” hehehehe…Madami na akong iniyakan ngayong taong to…Naging malapit ako kina Roni at Analyn…At nakapagpublish nga pala ako ng dyaryo kahet walang kuwenta…Dami ko palang achievements as of August 15, 2006. Para sa iba wala sa kalingkingan ang naranasan ko…Pero mahalaga sa akin ang bawat karanasan maliit man ito o malaki. Frustrated Psychologist yata ako…hehehe…Kung tutuusin maari ko namng higitan yung narrating ko pero pinili ko ang direksyong ito…pinili ko mag-aral at magtrabaho kesa magfocus sa extra-curricular activities. Pinili ko bigyan ng oras ang sarili kong luho..heheheh…
Ano kaya ang nagyari kung hindi na lang ako nagtrabaho at nag-aral na alng ako ng nag-aral…Ano kaya ang naging karanasan ko…Hidni..hindi ko maaring ipagpalit ang naranasan ko…Walang kuwenta…hehehee..Para sa akin mapalad pa rin ako kahit eto lang achievements ko…Kanya-kanyang buhay lang yan..walang pakialamanan..hehehehe
Sa ngayon…aasikasuhin ko na lang ang Chapter 3, 4, 5 ng thesis ko at finally ang defense at next semester ay magprapracticum na ako…hay naku..ilang buwan na lang at hindi ko mamalayan nakagraduate na ako..Ilang buwan pa…ano pa kaya ang mangyayari…Plinano ko naman ang buhay ko noon hanggang December kaso may mga bagay pala talaga na hindi natin aasahan na darating. Minsan huli na ang lahat para magsisi pa…
Sana nga lang matuto na ako…
ANG DRAMA MO!!!!!
HA ha ha ha ha ha
yan si reah minsan may topak
minsan sentisentihan…
lapit n defense natin