The Chase Agent
September 11, 2006 by nightspring
Break ko. Kumain. NagCR. Nagwewee…Nagpulbo…Nagsuklay…Tapos lumabas na ako ng CR. Mga limang hakbang pa nga lang nagagawa ko nang bigla akong tinawag ng isang agent na nakaupo sa stations para sa Chase Account, in short Chase Agent siya, at nakaupo siya malapit sa CR. Namukhaan ko siya. Siya yung babaeng lumabas ng CR kanina nang pumasok ako…e di lumapit naman ako.
CHASE Agent: "Miss, hindi ka ba natatakot sa loob ng CR?? Creepy kasi eh…"
Reah: "Hindi naman po. Pero tahimik po sa loob kasi wala namng tao…"
CHASE AGENT: "Kasi, pakiramdam ko talaga creepy eh."
Reah: "Sige po, balik po ako."
Pumasok uli ako ng CR. Tiningnan ko ang mga cubicles. Pinakiramdaman ang bawat sulok ng CR. Tiningnan ko rin ang ceiling… Ingay lang ng exhaust fan..kung exhaust fan nga yun… Wala. Walang creepy things sa loob ng CR ng West..
E di lumabas ako at nilapitan ko yung babae.
Reah: "Miss, wala namn po eh."
CHASE Agent: "A ganun ba. Yaan mo na."
Bumalik na ako sa station ko, nagtataka.
Bakit nga ba creepy pakiramdam ng CHASE agent na yun sa loob ng CR ng girls??? Haaayy… di ako mapakali….
Nag-log in ako…
Nagtake uli ako ng calls.
At bumisita si Ate ruby sa station ko… Binati ko siya.
Ate Ruby: "Reah, (sabay atras ng konti, at tinitigan ang aking mukha) Oiii!! Anu ba yan!!! Ang puti nang mukha mo."
Reah: "Walanghiya yung CHASE Agent na yun ah!!! Pacreepy-creepy pa siyang nalalaman!! Maputi pala mukha ko ang ibig niyang sabihin!!!"
Kaya kayo…pag ala akong suot na salamin sabihin niyo agad kung may pulbo pa yung mukha ko! Wag manakot at kung anu-anung kuwento pa ang sasabihin…Creepy daw….. = )
wala na akong mukhang ihaharap…hahahhaahhaha. wala na…
hahaha!!! hehehe!!! naughty girl… so you’ve learn somehting from that Chase Agent? and you’ve learn something about the mirror… hehe… i think that it’s one of your horror STORY… you may submit and get flat one for ma’am chai… try it? he!he!he!
next time i-check mabuti kung creepy talaga… anywayz bad agent sana sinabi na lang nya “miss maputi mukha mo” mas ok pa kesa pa-creepy-creepy pa sya.
anywayz bagong term yun…
hoy kahit d maputi mukha mo creepy ka pag walng salamin! hehehe joke joke joke!!! kasi naman ang laki na ng salamin sa cr at maliwanag naman…ituro mu kung sinong chase agent…lalagyan din natin ng powder sa mukha! miss u gurl!
mga walanghiya!!! nyahahhaha
hehe kakatawa nmn..ΓΌ