Feed on
Posts
comments

Matagal tagal din ako hindi nagpopost sa blog ko. Ang dami ko kasing ginagawa. Araw-araw wala ako sa bahay. At buhat noong nagsimula ang second semester and hopefully last semester ko as Journalism Student, lalo ako pumayat…

Grabe ang pressures…

Sa work…kase kaialangan galingan kundi termination ang katapat.. kahet inbound ako…hard selling ang account namin…dahil kailangan masiguro na mabebenta namin ang product na itinawag ng customer. Minsan kasi nagtatanong lang sila, tapos kung oorder naman may additional products..kaya Ayun minsan irate at mag-susuffer ang conversion. Eto, kareresign ko lang dahil hindi ko na talaga kaya… PIN 3 with dismissal na eh. Unahan na lang di ba? Hehehe..

Pressure sa school….Kase graduating na. TTHS normal class hours…MWF naman ay practicum hours…kamakailan lang ako nagsimula mag-ojt. Nasa Summit Media ako, at na-assign ako sa OK Magazine…Check out February Issue. Bukod sa practicum…maxado mataas ang expectations ng teachers namin sa Advertising at Media Management na pakiramdam yata nila sila lang ang teacher namin. Kapag palpak ang ginawa namin ipapaulit pa na parang we have all the time in the world.

Sa bahay.. pressured din…Pasaway na mundo…Hindi perpekto pamilya ko…at maxado kong pinipilit na gawing perpekto…Minsan pakiramdam ko ako ang responsable kung bakit nagkakaganun…nakakapagsisi dahil pakiramdam ko ako talaga may kasalanan pero hindi naman. I just have to accept that my life is not perfect.

Sa personal life…Struggle…Ang daming bulong… Ang damin affections na kailangan wag pansinin..dahil pampagulo ng buhay…

Ang solusyon…kailangan ko mag-enjoy…parang awa niyo na!!!! Magpapahinga na ako.. Hindi ako kasing busy gaya ng ibang tao jan.. pero ako ang tipo ng tao na gusto kahet papano ay nagpapahinga once a week..

Gusto ko ng nature…ng tubig…outing naman!!!

Eto ang summary ng year 2006 ko: 2006 has been a year of ‘come and go’ situations.

Acceptance. Letting Go. Renew.

Yan lang as of now…

Ge…

konti na lang…..said na

panahon para sa defense!!! konti na lang……..

balik uli sa dating gawi…………….

konti na lang…………………………………………..

A:hover {color: #FF0000; font-family: Arial; font-weight: bold}


KunWariAng Facts rEpUbiShed

Computer

Ang inaasam ko simula yata noong grade 3 ako. Noong
1st year high school naging best in computer ako kahit na wala kaming PC sa
bahay. Ilang taon ko din niligawan tatay ko na bilhan niya ako ng PC. Sabi ko
sa kanya, kapag may PC na kami, hindi na lalabas ng bahay si Coy2 kasi
maglalaro siya ng computer games. Awa ng Diyos, binilhan ako ng PC ni Papa pero
ako yung naglaro ng computer game at si Coy2 nasa labas pa rin… tambay.


Pagsayaw

Noong nasa kinder pa ako, isa ako sa best dancer of
the year. Isa ako sa mga leader ng sayaw na pumapatong sa ibabaw ng lamesa para
gayahin ng mga classmates ko. Naalala ko na inenrol ako ni mama sa dance lesson
bago ako nag-kinder. Kaso noong dito na kami sa Maynila tumira, naniwala na ako
na parehong kaliwa ang paa ko. Hanggang folk dances na lang yata ang kaya kong
sayawin.


Ghost Fighter

Ang anime na kinaadikan ko. May collection nga ako
ng mga text eh. Yung apat tigpi-piso. Nasa akin pa rin yun hanggang ngayon.
Paborito ko si Eugene. Gusto ko kasi yung medyo mayabang at may love interest sa story para
nakakakilig. Sunod na si Vincent. Bad Boy ulit. ?Ako si Jenny. LOL


CAT

Isang bagay na kinatakutan ko noong nasa grade
school pa ako. Madami daw kasing anomalya dito. Pero wag ka naging CAT officer
ako.


Architecture

Ito ang course na inaasam ko noong mga eight to nine
years old ako. Nakakaubos nga ako ng isang yellow pad sa kakaguhit ng sketches
ng bahay na gusto ko. Nagsisi nga ako’t hindi ko man lang naitago ang isa sa
mga drawing ko. Pinaplano ko pa kung sino ang titira sa bahay na iyon at ilang
anak meron sila. May negosyo ba sila o mga empleyado.


Kumanta

Matagal ko nang gustong kumanta sa videoke na hindi
nag-aalala sa kantiyaw ng mga magulang ko at mga kamag-anak ko. Ultimo nanay ko
ayaw maniwala na naging choir member ako noong grade six ako. Natanggap nga din
ako sa MCU HS noong third year eh. Sa ngayon, pinagbubutihan ko ang pag-aaral
ko.


Ragnarok

Isang online game na marahil dapat ko pagsisihan na
nilaro ko. Hindi man lang ako umabot ng 99. Bano kasi ako eh.


Scrapbook

Isang bagay na sa tuwing naririnig ko ay naaalala ko
ang pagpupunta ko ng National Bookstore, Pandayan Bookstore, Expressions at St.
Peter’s bookstore.


Telepono

Isang bagay na simula noong naghighschool ako ay
sobra kong inasam na magkaroon. Inggit na inggit ako sa mga kaklase ko noon na
nagtetelebabad tuwing madaling araw. Nagiging close kasi sila kahit hindi sila
madalas mag-usap sa school. Pero naranasan ko naman magamit ang telepono noong
nasa high school ako. Isa lang naman halos ang taong tinatawagan ko noon eh.
911 ?First year college na ako noong nagkaroon kami ng telepono sa pangalan ko.


CAP

Cap scholar ako, na akala ko ay sobrang
mapapakinabangan ng mga magulang ko kasi scholar din naman ako sa school.
Napakinabangan naman namin ang pera from CAP for three semesters pero after
noon hindi na nasundan ang reimbursements ko. Pinagsisihan ko din na pumayag
ako maging ahente ng CAP. Nakokonsensiya tuloy ako sa mga naengganyo ko pumirma
ng Pension Plan.



Cancer


Ewan. Hulaan niyo.


Student Council

Hinangad kong maging mabuting leader. Pero wala yata
talaga akong karisma sa tao para iboto nila ako. Hanggang classroom president
lang ako o kaya naman ay year level officer.



CallCenter
Agent

Isang trabaho na hindi ko inasam na maging trabaho.
Malapit na ako mag-one year.


Late

May sakit na yata ako eh sa pagiging late. Sa totoo
lang eto ang sabi ni Dr.
Villanueva nung minsan ay naghahanap ng leader sa isang activity at absent ako.
Sinuggest ng isa kong classmate na ako daw leader, Sabi ni ma’am “She has
difficulty on coming on time.” Baka mahirapan daw ang mga members ko.


Cramming

Isa pang sakit ko. Binalaan na ako ng mga teachers
ko noong high school pero mahirap tanggalin.


Mag-aral ng Madaling Araw

Effective sa akin to. Noong nasa grade school ako
hanggang second year high school ay nakagawian ko to. Tumigil na ako.


Mythology

Hate na hate ko ang taong masyadong magaling dito.
Naiinis kasi ako pag naalala ko na kaya ako hindi masyadong magaling
magconstruct ng English sentences dahil konti lang exposure ko sa libro simula
noong naghirap kami. Yung kakilala ko kasi dami na niyang nabasa na books.



Kulot


Minsan pinagsisihan ko naging kulot ako.
Pakiramdam ko naging palaayos siguro ako kung maganda buhok ko. Kaso pinanganak
talaga akong kulot. Kapag dumadaan ako sa salons, lagi ako niyaya magparebond ng
mga bakla. Tumatanggi ako sa ganyan kasi masisira ang aking kulot. Sinubukan ko
ng isang taon maging straight…hindi maganda pagkastraight. Sa mumurahin kasi ako
nagpaayos.



Noo


Malapad noo ko. Ito madalas na itawag sa akin
ng seatmate ko noong Junior HS. Kung sino man siya, siya si ting-ting, si
pat-pat. Tinawag na din akong mushroom ng kapwa CAT officers ko. Bigla bigla na
lang daw kasi ako sumusulpot…di nila ako napapansin agad dahil sa height ko. May
tumawag na rin sa akin ng Pandak, Leeg at Sakang. Baka balang araw pango naman o
kaya pangit. Nakalimutan ko…ako rin pala si Labo.


Medals

Mga bagay na tuwang tuwa ako na magkaroon. Gustong
gusto ko na napapaakyat ko mga magulang ko sa stage tuwing recognition day. Sa
ngayon, nasa loob na lang ng isang box mga medal ko. Parang balewala din.


Banana Cue

 Paborito kong kainin. Noong nasa Daet pa kami
nakatira ay naglako ako ng Banana cue sa daan. Noong nandito naman kami sa NCR,
naglako ako sa Sangandaan Market. Pinagtaguan ako ng pinsan ko. Bukod sa banana
cue, nakapagtinda na ako ng mangga, isda at sigarilyo noong bata pa ako.


Business Course

Ito ang lumabas na resulta na dapat kong kunin na
course sa Career Assessment test noong senior HS na ako, pero hindi ko sinunod.
Noong first year ko as Journalism student sa CEU, nagtitinda ako ng E-load sa
mga classmates ko at CAP Pension Agent. Naengayo din ako sumali Forever Living
at First Quadrant. Sa ngayon, kumukuha ako ng orders ng mga Amerikano.
Ineenganyo na bumili ng dagdag na produkto o kaya naman ay namimilit na huwag
kanselahin ang order nila. Bakit kasi Journalism Course ang kinuha ko.


Cable


Sana
magkacable kami. Pero imposible sa ngayon.
Squatters ang area namin at wala pang nagpapakabit ng cable. Delikado kapag
nauna kami magpakabit.


Matulog

Hate na hate ko gawin noong bata pa ako, tingnan mo
tuloy ang resulta. Kung kalain ako tumanda saka naman ako nahilig sa tulog.


National Bookstore

Gusto ko mag-franchise nito. At nakapunta na ako sa
20 National bookstores and I am still in hope na makarami.


Charmed

Pinangarap ko magkaroon ng magic. Isa to sa dahilan
kaya’t nagustuhan ko din basahin ang Harry Potter SerieS. Ako si Phoebe.
Nyahaha.. Mahal ko si Chris.



Aso


Takot ako sa aso. Madalas kasi ako habulin ng
aso sa panaginip ko.



Johnson and Johnson


Ang maging sales girl ng Johnson and Johnson
ang una kong tinangka maging trabaho. Kagragraduate ko lang noon sa HS at kaee18
ko lang. Natanggap naman ako kaso nalate ako sa pagpirma ng kontrata. Hindi ko
na binalikan. Nasubukan ko na rin magpasa sana ng bio data para maging Panda
Sales Girl, kaso full time ang hinahanap nila.



Ulan


Gustong-gusto ko na umuulan. Bukod sa masarap
matulog, pakiramdam ko ay napakasweet ng paligid kapag umuulan. Kawawa nga lang
yung iba kasi bumabaha sa kanila. Sarap magpatugtog ng music.



“AN”


Ang makakahula ng significance ng “–AN” sa
buhay ko ay magaling. Hahahahaha.



Mag-drive


Noong first year HS ako, naadik ako sa arcade.
Actually isa lang na laro…Car Racing. Tuwang tuwa ako noon kapag nagiging first
place ako. Basta pag nasasama ako sa mga highest pointers nilalagay ko REA o
kaya SIA o kaya IAN para madistinguish sino naglaro. Maabot ko kaya ang pedal sa
totoong buhay? Hindi pa rin ako nagpapaturo magmaneho. Magkakaroon din ako ng
sasakyan balang araw.



Taekwondo


Sinubukan ko matuto mag-taekwondo noong first
year college. Astig-astigan ako noon eh. Natalo ako sa first game ko noong
Sportsfest. Hindi ko na pinursue.



Psychology


Mahilig ako mag-obserba ng ugali ng tao. Hindi
nga lang formal ang training ko. Noong HS ako, ang pinagkaabalahan ko na libro
ay mga self-help books.



Pagong


Pinangalan na ako sa pagong. Yung kapatid ko
naman na si Janray ay ipinangalan sa aso. Ewan ko ba’t anong pumasok sa isip
noong classmate kong yun sa Grade school. Ian pangalan niya.



Lumilipad


Bukod sa mga asong humahabol sa akin, madalas
din ako managinip na ako’y lumilipad. Kaso hindi daw ako makaangat. Pag medyo
mataas na ang nailipad ko, nauuntog daw ako kapag tinangka ko pang lumipad sa
mataas. May ceiling ang langit sa panaginip ko. Madalas din ako managinip ng
tubig: dagat in particular.



Lambada


Dapat ang talent ko noong kinder sa isang mala
Little Miss Philippines ay yung “Alms…Alms…Give me a piece of bread.” Kaso noong
actual presentation na at nilalagyan ako ng uling…umiyak ako. Sumayaw na lang
ako ng lambada. Di ko matanggap na natalo ako. Sabi ni Mama bibilhan na lang daw
niya ako ng thropy.



Kamatayan


Bumagabag nang halos isang buwan sa akin noong
bata ako. Takot na takot ako mamatay noon. Ten years old ata ako noon eh. Sa
pagkaalala ko katatapos ko lang basahin ang Revelations noon.



Grade 4 Theory


May teorya ako noon na ang Science at religion
ay nagkakasundo sa pagkakasunod ng God’s creation. Hindi ako pamilyar na
napapatunayan na pala ang naisip ko. Ang basehan ko lang noon ay nabasa ko sa
bandang dulo ng New Testament na “ang isang taon sa Diyos ay isang libong taon
sa tao.”

Mangugulo uli…hehe

Inayos ko nga pala blog ko para mabasa niyo yung mga Dati-dati kong Posts…nagsimula kase ako magblog 2005.. Click niyo na lang sa category anong posts ang gusto niyong basahin… kung may maling grammar d bale na ha..(hehehe)… napansin ko lang ang dami kong posts noong July…



  • April

    <<<click

  • When I was in
    sixth grade, my adviser taught the class a song that goes Make new friends but
    keep the old. One is silver and the other gold. During that time, I never paid
    attention to the essence of the song. This was just an ordinary rhyming song for
    graders.


  • August

    <<<click


  • Minsan akala natin sapat na tayo ay mag-isa sa buhay.
    Okay lang kahit hindi tayo nagkakaroon ng kaholding-hands o kasama kapag
    kumakain tayo.


  • February

    <<<click


  • Oftentimes, when we want to achieve something but fail, we surrender,
    especially, when we are rejected or are criticized. We stop trying and feel
    frustrated. We give up the things that are indeed significant to our lives. But
    do you know the secrets of successful and famous people? How about the secrets
    of big companies?


  • January


    <<<click


  • July

    <<<click

    Sa kakapanood ko ng koreanovela,
    hindi ko maiwasan magtanong. Totoo ba ang mga ganoong kuwento?


  • June

    <<<click


  • "Everyone’s life is driven by
    something
    " wrote
    Rick Warren.


  • Kunwariang Facts about me


    <<<click


  • March

    <<<click


  • May

    <<<click


  • May kinalaman sa WEST

    <<<click

    Break
    ko. Kumain. NagCR. Nagwewee…Nagpulbo…Nagsuklay…Tapos lumabas na ako ng CR.
    Mga limang hakbang pa nga lang nagagawa ko nang bigla akong tinawag ng isang
    agent na nakaupo sa stations para sa Chase Account, in short Chase Agent siya,
    at nakaupo siya malapit sa CR. Namukhaan ko siya. Siya yung babaeng lumabas ng
    CR kanina nang pumasok ako…e di lumapit naman ako.


  • October


    <<<click


  • Posts ko noong 2005

    <<<click

  • When I
    was young, I monitored my growth by measuring my height against a wall of our
    kitchen. Since overjoyed, I was really jumping every time I discovered I grew
    centimeters taller than the past months. My mother also bought me Vitamin syrup
    to help me grew tall. In fact, I was one of those who stayed at the end or in
    the middle of the line at school and never became a front liner. Also, during
    New Year’s Eve….


  • Ragnarok Online


    <<<click


  • sa pag-aaral

    <<<click


  • sa pagsusulat

    <<<click 

  • Alang pera sa
    pagsusulat. Ito ang mariing bilin ng maraming tao sa akin. Kung gusto ko
    magtagal sa pagsusulat, mahirap eto. Sabi nga ni Analyn, ang pagsusulat ang
    pinakamalungkot na trabaho. Hay naku, gusto ko lang naman tumuklas ng mga bagay
    bagay.

  •  

  • September



  • <<<click

    Sa
    wakas tapos na ako magdefense… Sarap ng pakiramdam. Buti na lang at isa ako sa
    nauna. Katakot takot na research ang ginawa ko, pero xempre sa net lang at sa
    tulong ng e-bay…Si Dan Brown ba naman ang topic ko at Da Vinci Code, alangan
    naman sa mamahaling books ako maghanp di ba? Hehehe…


    Tapos nagbura na rin ako ng ibang posts na tingin ko ay hindi na dapat pinoposts pa…maxado na kayong maraming nalalaman sa akin eh..hehehe…Amin amin na lang yun…

    yaan niyo medyo tataglan ko ang next posts ko.

    (+_+) mga three days…heheh

    Lapit na nga pala sem brek namin…at sana maka-alis ang klase after ng finals…BONDING NAMAN TAYO!!!

    Sa mga HS friends ko…Kamusta ang first sem??? Pasado ba??

    Sa Mga DSG jan… Kamusta stats?? May PIN na rin ba kayo?? Naku ha..nahihirapan ako magconvert ng TAGS… PIN 2 na ako… waaaaa

    Godspeed sa lahat ng nagbabasa ng blog ko..


         Yung gusto plang magcomment…ganito lang yan..hanapin niyo ang Comment (0) sa ilalim ng mga posts, katabi ng Permalink ata..maghihighlight naman kapag niroll over mo yung mouse…pagkahighlight.. i double click lang po ang Comment (0)…

    stat conscious

    Hindi ko mapigilang mairita ngayong araw na ito!! Kaasar talaga!! nagEH na nga ako para makabawi sa stats kasi pinaninidigan ko okay ang stats ngayong umaga…dapat hindi ko na lang tinanggap kase ung EH na isang oras bwist talaga!!! Sa order conversion na nga lang ako makakabawi eh!!!

    Hindi ko mapigilang mairita ngayong araw na ito!! Kaasar talaga!! nagEH na nga ako para makabawi sa stats kasi pinaninidigan ko okay ang stats ngayong umaga…dapat hindi ko na lang tinanggap kase ung EH na isang oras bwist talaga!!! Sa order conversion na nga lang ako makakabawi eh!!!

    Ang isa pang nakakaasar ay ang chest pains na padalaw dalaw habang may calls ako..bwist…pero natatawa ako kanina noong nagpunta ako sa clinic…Finilupan ko ung form…

    NAME: Marycris Guevarra

    FLOOR: 34th

    GROUP: DSG

    COMPLAINT: (huminto ako at napaisip…ano ba english ng masakit ung puso??

    Nakakabobo ang tanong ko…Heartache??) (harharhar)

    Sabi ni Nurse MIKE: “Ano ka ba? Wag naman heartache..chest pain naman!!! hehehe”

    REVELATION: Natural lang daw na magkaron ako ng chest pain dahil sa kondisyon ko. ano yun??

    SOLUSYON: tskstsk…kakatakot…kakain na lang daw ako ng maraming iodized salt… nyahahaha

    Ngayon, tapos na shift ko..medyo high pa ako…punta me maya maya Mall of Asia para sa newsmag namin…puyat pa ako ngayon…nyahaha..nauntog pa ako sa bus kanina…(sakit) punta pa ako sa city hall bukas..

    Yahoo_9

    Kulang kami ng isang member sa aming newsmag ..(pasaway) joke!!! pero ok lang. Nagawa pa rin namin ang dapat gawin…saan sunod na lakad?

    kung gusto niyo palakahin ang pix click niyo lang…

    Bn_1

    Df

    Thesis. Defense. Yehey!!!

    Sa wakas tapos na ako magdefense… Sarap ng pakiramdam. Buti na lang at isa ako sa nauna. Katakot takot na research ang ginawa ko, pero xempre sa net lang at sa tulong ng e-bay…Si Dan Brown ba naman ang topic ko at Da Vinci Code, alangan naman sa mamahaling books ako maghanp di ba? Hehehe…

    Ang dami ko din slides, pakiramdam ko nga hindi ako matatapos eh sa dami ng results na iprepresent ko pero buti na lang nagawan ko ng paraan…Ayoko naming mapunta sa kawalan ang thesis ko ano…basta masaya ako sa resulta…

    Practicum na next sem!!! Yey!!!

    Tapos, graduation na!!! Yey uli!!!

    Tapos uli, umakyat tayo sa puno at magpose ng ganito…hehehhe…sh*t!

    Yryry

    The Chase Agent

    Break ko. Kumain. NagCR. Nagwewee…Nagpulbo…Nagsuklay…Tapos lumabas na ako ng CR. Mga limang hakbang pa nga lang nagagawa ko nang bigla akong tinawag ng isang agent na nakaupo sa stations para sa Chase Account, in short Chase Agent siya, at nakaupo siya malapit sa CR. Namukhaan ko siya. Siya yung babaeng lumabas ng CR kanina nang pumasok ako…e di lumapit naman ako.

    CHASE Agent: "Miss, hindi ka ba natatakot sa loob ng CR?? Creepy kasi eh…"

    Reah: "Hindi naman po. Pero tahimik po sa loob kasi wala namng tao…"

    CHASE AGENT: "Kasi, pakiramdam ko talaga creepy eh."

    Reah: "Sige po, balik po ako."

    Pumasok uli ako ng CR. Tiningnan ko ang mga cubicles. Pinakiramdaman ang bawat sulok ng CR. Tiningnan ko rin ang ceiling… Ingay lang ng exhaust fan..kung exhaust fan nga yun… Wala. Walang creepy things sa loob ng CR ng West..

    E di lumabas ako at nilapitan ko yung babae.

    Reah: "Miss, wala namn po eh."

    CHASE Agent: "A ganun ba. Yaan mo na."

    Bumalik na ako sa station ko, nagtataka.

    Bakit nga ba creepy pakiramdam ng CHASE agent na yun sa loob ng CR ng girls??? Haaayy… di ako mapakali….

    Nag-log in ako…

    Nagtake uli ako ng calls.

    At bumisita si Ate ruby sa station ko… Binati ko siya.

    Ate Ruby: "Reah, (sabay atras ng konti, at tinitigan ang aking mukha) Oiii!! Anu ba yan!!! Ang puti nang mukha mo."

    Reah: "Walanghiya yung CHASE Agent na yun ah!!! Pacreepy-creepy pa siyang nalalaman!! Maputi pala mukha ko ang ibig niyang sabihin!!!"

    Kaya kayo…pag ala akong suot na salamin sabihin niyo agad kung may pulbo pa yung mukha ko! Wag manakot at kung anu-anung kuwento pa ang sasabihin…Creepy daw….. = )

    wala na akong mukhang ihaharap…hahahhaahhaha. wala na…

    Bad trip na PC!!!

    lintek!!! naghang ung PC ko kagabi..e di xempre nirestart ko!!! Bad trip…dapat marerecover yun db?? Pero hinde eh!!! Nawala yung interpretation ko!!! Sinearch ko ung file pero wala…bad trip talaga!!! Sakit sa ulo…nawalan ako ng gana!!! Tinulugan ko na lang para fully battery kinabukasan..sacrifice…hindi na nga ako pumasok sa work, hindi pa ako pumasok sa school…sama talga ng loob ko kagabi!!! Ayan tuloy, Nahihirapan na ako mag-interpret ng thesis ko.. nauubusan na ako ng rason…waaaa!!!! Dinudugo na ako dito..

    Ilang buwan na lang at pasko na naman. Magpapalit na naman ng taon…Pag isinishare ko to sa mga friends ko nagagalit sila kasi padaanin ko naman daw ang Halloween bago ako magmuni muni ng ganito. Oo nga naman.

    Naisip ko lang naman kase na parang kailan lang ang mga pangyayari at mag-iisang taon na pala yun. Maraming mga ala-alang madadaanan ng mga susunod na buwan mga ala-ala na pipiliting mapagtiisan. Mahirap kasi palang maniwala sa maling akala. Iba ang dulot ng idea ng pasko sa aking ngayong panahong ito at iba na rin ang dulot ng pagpapalit ng taon. Magiging pagsubok para sa akin ang mga susunod na buwan. Hanggang saan nga ba ang matitiis ko? Madami akong tanong na gusto kong masagutan pero wala na rin akong mapapala.

    Malapit na talaga magpalit ng taon…halos apat na buwan na lang at 2007 na…ano nga ba ang napala ko ngayong 2006? Pagbabago…pag-asa…marahil yun nga…For the past seven months…nakabalik ako sa aking mga kaibigan noong HS…matagal din akong nangulila sa kanila…matagal din akong nagtiis na hindi ko sila nakakausap. At least ngayon…dami ko na contact…Iba talaga ang UNLIMITXT hehehhe…Nalipat na rin ako ng account…from DR to LMB to DSG…asensado na ah…Natapos ko na rin ang 18 units ko of education…May 50% Scholarship uli ako…Nagtetext na kami ng Papa ko ng sweet nothings at ang kapatid ko…hehehe..Umiyak na rin ako sa harap ng Papa ko with matching “Pa…Baket???” hehehehe…Madami na akong iniyakan ngayong taong to…Naging malapit ako kina Roni at Analyn…At nakapagpublish nga pala ako ng dyaryo kahet walang kuwenta…Dami ko palang achievements as of August 15, 2006. Para sa iba wala sa kalingkingan ang naranasan ko…Pero mahalaga sa akin ang bawat karanasan maliit man ito o malaki. Frustrated Psychologist yata ako…hehehe…Kung tutuusin maari ko namng higitan yung narrating ko pero pinili ko ang direksyong ito…pinili ko mag-aral at magtrabaho kesa magfocus sa extra-curricular activities. Pinili ko bigyan ng oras ang sarili kong luho..heheheh…

    Ano kaya ang nagyari kung hindi na lang ako nagtrabaho at nag-aral na alng ako ng nag-aral…Ano kaya ang naging karanasan ko…Hidni..hindi ko maaring ipagpalit ang naranasan ko…Walang kuwenta…hehehee..Para sa akin mapalad pa rin ako kahit eto lang achievements ko…Kanya-kanyang buhay lang yan..walang pakialamanan..hehehehe

    Sa ngayon…aasikasuhin ko na lang ang Chapter 3, 4, 5 ng thesis ko at finally ang defense at next semester ay magprapracticum na ako…hay naku..ilang buwan na lang at hindi ko mamalayan nakagraduate na ako..Ilang buwan pa…ano pa kaya ang mangyayari…Plinano ko naman ang buhay ko noon hanggang December kaso may mga bagay pala talaga na hindi natin aasahan na darating. Minsan huli na ang lahat para magsisi pa…

    Sana

    nga lang matuto na ako…

    « Newer Posts - Older Posts »