Kunwariang Facts Republished
October 5, 2006 by nightspring
A:hover {color: #FF0000; font-family: Arial; font-weight: bold}
KunWariAng Facts rEpUbiShed
Computer
Ang inaasam ko simula yata noong grade 3 ako. Noong
1st year high school naging best in computer ako kahit na wala kaming PC sa
bahay. Ilang taon ko din niligawan tatay ko na bilhan niya ako ng PC. Sabi ko
sa kanya, kapag may PC na kami, hindi na lalabas ng bahay si Coy2 kasi
maglalaro siya ng computer games. Awa ng Diyos, binilhan ako ng PC ni Papa pero
ako yung naglaro ng computer game at si Coy2 nasa labas pa rin… tambay.
Pagsayaw
Noong nasa kinder pa ako, isa ako sa best dancer of
the year. Isa ako sa mga leader ng sayaw na pumapatong sa ibabaw ng lamesa para
gayahin ng mga classmates ko. Naalala ko na inenrol ako ni mama sa dance lesson
bago ako nag-kinder. Kaso noong dito na kami sa Maynila tumira, naniwala na ako
na parehong kaliwa ang paa ko. Hanggang folk dances na lang yata ang kaya kong
sayawin.
Ghost Fighter
Ang anime na kinaadikan ko. May collection nga ako
ng mga text eh. Yung apat tigpi-piso. Nasa akin pa rin yun hanggang ngayon.
Paborito ko si Eugene. Gusto ko kasi yung medyo mayabang at may love interest sa story para
nakakakilig. Sunod na si Vincent. Bad Boy ulit. ?Ako si Jenny. LOL
CAT
Isang bagay na kinatakutan ko noong nasa grade
school pa ako. Madami daw kasing anomalya dito. Pero wag ka naging CAT officer
ako.
Architecture
Ito ang course na inaasam ko noong mga eight to nine
years old ako. Nakakaubos nga ako ng isang yellow pad sa kakaguhit ng sketches
ng bahay na gusto ko. Nagsisi nga ako’t hindi ko man lang naitago ang isa sa
mga drawing ko. Pinaplano ko pa kung sino ang titira sa bahay na iyon at ilang
anak meron sila. May negosyo ba sila o mga empleyado.
Kumanta
Matagal ko nang gustong kumanta sa videoke na hindi
nag-aalala sa kantiyaw ng mga magulang ko at mga kamag-anak ko. Ultimo nanay ko
ayaw maniwala na naging choir member ako noong grade six ako. Natanggap nga din
ako sa MCU HS noong third year eh. Sa ngayon, pinagbubutihan ko ang pag-aaral
ko.
Ragnarok
Isang online game na marahil dapat ko pagsisihan na
nilaro ko. Hindi man lang ako umabot ng 99. Bano kasi ako eh.
Scrapbook
Isang bagay na sa tuwing naririnig ko ay naaalala ko
ang pagpupunta ko ng National Bookstore, Pandayan Bookstore, Expressions at St.
Peter’s bookstore.
Telepono
Isang bagay na simula noong naghighschool ako ay
sobra kong inasam na magkaroon. Inggit na inggit ako sa mga kaklase ko noon na
nagtetelebabad tuwing madaling araw. Nagiging close kasi sila kahit hindi sila
madalas mag-usap sa school. Pero naranasan ko naman magamit ang telepono noong
nasa high school ako. Isa lang naman halos ang taong tinatawagan ko noon eh.
911 ?First year college na ako noong nagkaroon kami ng telepono sa pangalan ko.
CAP
Cap scholar ako, na akala ko ay sobrang
mapapakinabangan ng mga magulang ko kasi scholar din naman ako sa school.
Napakinabangan naman namin ang pera from CAP for three semesters pero after
noon hindi na nasundan ang reimbursements ko. Pinagsisihan ko din na pumayag
ako maging ahente ng CAP. Nakokonsensiya tuloy ako sa mga naengganyo ko pumirma
ng Pension Plan.
Cancer
Ewan. Hulaan niyo.
Student Council
Hinangad kong maging mabuting leader. Pero wala yata
talaga akong karisma sa tao para iboto nila ako. Hanggang classroom president
lang ako o kaya naman ay year level officer.
CallCenterAgent
Isang trabaho na hindi ko inasam na maging trabaho.
Malapit na ako mag-one year.
Late
May sakit na yata ako eh sa pagiging late. Sa totoo
lang eto ang sabi ni Dr.
Villanueva nung minsan ay naghahanap ng leader sa isang activity at absent ako.
Sinuggest ng isa kong classmate na ako daw leader, Sabi ni ma’am “She has
difficulty on coming on time.” Baka mahirapan daw ang mga members ko.
Cramming
Isa pang sakit ko. Binalaan na ako ng mga teachers
ko noong high school pero mahirap tanggalin.
Mag-aral ng Madaling Araw
Effective sa akin to. Noong nasa grade school ako
hanggang second year high school ay nakagawian ko to. Tumigil na ako.
Mythology
Hate na hate ko ang taong masyadong magaling dito.
Naiinis kasi ako pag naalala ko na kaya ako hindi masyadong magaling
magconstruct ng English sentences dahil konti lang exposure ko sa libro simula
noong naghirap kami. Yung kakilala ko kasi dami na niyang nabasa na books.
Kulot
Minsan pinagsisihan ko naging kulot ako.
Pakiramdam ko naging palaayos siguro ako kung maganda buhok ko. Kaso pinanganak
talaga akong kulot. Kapag dumadaan ako sa salons, lagi ako niyaya magparebond ng
mga bakla. Tumatanggi ako sa ganyan kasi masisira ang aking kulot. Sinubukan ko
ng isang taon maging straight…hindi maganda pagkastraight. Sa mumurahin kasi ako
nagpaayos.
Noo
Malapad noo ko. Ito madalas na itawag sa akin
ng seatmate ko noong Junior HS. Kung sino man siya, siya si ting-ting, si
pat-pat. Tinawag na din akong mushroom ng kapwa CAT officers ko. Bigla bigla na
lang daw kasi ako sumusulpot…di nila ako napapansin agad dahil sa height ko. May
tumawag na rin sa akin ng Pandak, Leeg at Sakang. Baka balang araw pango naman o
kaya pangit. Nakalimutan ko…ako rin pala si Labo.
Medals
Mga bagay na tuwang tuwa ako na magkaroon. Gustong
gusto ko na napapaakyat ko mga magulang ko sa stage tuwing recognition day. Sa
ngayon, nasa loob na lang ng isang box mga medal ko. Parang balewala din.
Banana Cue
Paborito kong kainin. Noong nasa Daet pa kami
nakatira ay naglako ako ng Banana cue sa daan. Noong nandito naman kami sa NCR,
naglako ako sa Sangandaan Market. Pinagtaguan ako ng pinsan ko. Bukod sa banana
cue, nakapagtinda na ako ng mangga, isda at sigarilyo noong bata pa ako.
Business Course
Ito ang lumabas na resulta na dapat kong kunin na
course sa Career Assessment test noong senior HS na ako, pero hindi ko sinunod.
Noong first year ko as Journalism student sa CEU, nagtitinda ako ng E-load sa
mga classmates ko at CAP Pension Agent. Naengayo din ako sumali Forever Living
at First Quadrant. Sa ngayon, kumukuha ako ng orders ng mga Amerikano.
Ineenganyo na bumili ng dagdag na produkto o kaya naman ay namimilit na huwag
kanselahin ang order nila. Bakit kasi Journalism Course ang kinuha ko.
Cable
Sana magkacable kami. Pero imposible sa ngayon.
Squatters ang area namin at wala pang nagpapakabit ng cable. Delikado kapag
nauna kami magpakabit.
Matulog
Hate na hate ko gawin noong bata pa ako, tingnan mo
tuloy ang resulta. Kung kalain ako tumanda saka naman ako nahilig sa tulog.
National Bookstore
Gusto ko mag-franchise nito. At nakapunta na ako sa
20 National bookstores and I am still in hope na makarami.
Charmed
Pinangarap ko magkaroon ng magic. Isa to sa dahilan
kaya’t nagustuhan ko din basahin ang Harry Potter SerieS. Ako si Phoebe.
Nyahaha.. Mahal ko si Chris.
Aso
Takot ako sa aso. Madalas kasi ako habulin ng
aso sa panaginip ko.
Johnson and Johnson
Ang maging sales girl ng Johnson and Johnson
ang una kong tinangka maging trabaho. Kagragraduate ko lang noon sa HS at kaee18
ko lang. Natanggap naman ako kaso nalate ako sa pagpirma ng kontrata. Hindi ko
na binalikan. Nasubukan ko na rin magpasa sana ng bio data para maging Panda
Sales Girl, kaso full time ang hinahanap nila.
Ulan
Gustong-gusto ko na umuulan. Bukod sa masarap
matulog, pakiramdam ko ay napakasweet ng paligid kapag umuulan. Kawawa nga lang
yung iba kasi bumabaha sa kanila. Sarap magpatugtog ng music.
“AN”
Ang makakahula ng significance ng “–AN” sa
buhay ko ay magaling. Hahahahaha.
Mag-drive
Noong first year HS ako, naadik ako sa arcade.
Actually isa lang na laro…Car Racing. Tuwang tuwa ako noon kapag nagiging first
place ako. Basta pag nasasama ako sa mga highest pointers nilalagay ko REA o
kaya SIA o kaya IAN para madistinguish sino naglaro. Maabot ko kaya ang pedal sa
totoong buhay? Hindi pa rin ako nagpapaturo magmaneho. Magkakaroon din ako ng
sasakyan balang araw.
Taekwondo
Sinubukan ko matuto mag-taekwondo noong first
year college. Astig-astigan ako noon eh. Natalo ako sa first game ko noong
Sportsfest. Hindi ko na pinursue.
Psychology
Mahilig ako mag-obserba ng ugali ng tao. Hindi
nga lang formal ang training ko. Noong HS ako, ang pinagkaabalahan ko na libro
ay mga self-help books.
Pagong
Pinangalan na ako sa pagong. Yung kapatid ko
naman na si Janray ay ipinangalan sa aso. Ewan ko ba’t anong pumasok sa isip
noong classmate kong yun sa Grade school. Ian pangalan niya.
Lumilipad
Bukod sa mga asong humahabol sa akin, madalas
din ako managinip na ako’y lumilipad. Kaso hindi daw ako makaangat. Pag medyo
mataas na ang nailipad ko, nauuntog daw ako kapag tinangka ko pang lumipad sa
mataas. May ceiling ang langit sa panaginip ko. Madalas din ako managinip ng
tubig: dagat in particular.
Lambada
Dapat ang talent ko noong kinder sa isang mala
Little Miss Philippines ay yung “Alms…Alms…Give me a piece of bread.” Kaso noong
actual presentation na at nilalagyan ako ng uling…umiyak ako. Sumayaw na lang
ako ng lambada. Di ko matanggap na natalo ako. Sabi ni Mama bibilhan na lang daw
niya ako ng thropy.
Kamatayan
Bumagabag nang halos isang buwan sa akin noong
bata ako. Takot na takot ako mamatay noon. Ten years old ata ako noon eh. Sa
pagkaalala ko katatapos ko lang basahin ang Revelations noon.
Grade 4 Theory
May teorya ako noon na ang Science at religion
ay nagkakasundo sa pagkakasunod ng God’s creation. Hindi ako pamilyar na
napapatunayan na pala ang naisip ko. Ang basehan ko lang noon ay nabasa ko sa
bandang dulo ng New Testament na “ang isang taon sa Diyos ay isang libong taon
sa tao.”
ate reah,
lam q significancen “–an” sa buhay moh!!!!!!!!!! sya ay si….. janjararan +confeti+
hulaan nyo nah lng…
kilala koh un….
hek2
wag mgdeny!!!!!!!!!!!
uhmwuahhhhhhhh