expand kung expand
February 14, 2007 by nightspring
Expand kung expand
Natutuwa ako sa prof ko ngayon dahil malaki pagbabago in terms of understanding our course na Journalism… Natutuwa ako dahil intinuturo niya ang tamang gawin kapag nasa actual world na kami ng pinili naming propesyon… Hindi ako inis sa kanya…
Isang araw pinasulat niya kami ng experiences na related sa mga phrases na to…
DO be honest.
DO have patience.
DO have values. (Moral values mas maganda)
DO have faith in God.
DO expand your horizon.
Sa mga phrases na to ang nagpasaya sa akin na explanation niya ay yung pang-lima kasi narealize daw niya na
mali pala na ikulong niya kami sa pagsusulat… Kaya matuto daw kami ng ibat-ibang bagay para maging malaki ang edge namin sa ibang taong mag-aaply tulad ng pag-aaral ng driving.
Sa Do be honest, as always honesty builds integrity na hindi ko makakalimutang phrase galing kay prof… tama naman talaga siya dun…
Eto nga pala ang aking list regarding expanding my horizon…
Matutong magtype ng mabilis
Mag-aral magmaneho
Mag-aral magluto
Matuto ng Photoshop
Matuto ng In-Design
Mag-aral ng Korean language…later ay Japanese
Magbasa-basa uli ng history books kasi writer nga ako
Pagbutihan ang American accent
_____ lessons
Nasa isip ko na rin ngayon ang mag-aral ng trouble shooting sa computer lalo na’t gusto ko mag-invest sa isang WOW na computer at laptop.
Ipagpatuloy ang aking interest sa drawing at photography dati..
Hindi naman arts related ang mga gusto kong ipursue ano?? Hindi talaga… heheheh
Kasama din sa listahan ang manuod at magbasa ng kung anu-anu
Gusto ko rin sumama sa isang organization na pwede akong magtravel kung saan saan
Gusto ko rin maexpose sa video editing… hmmmm….. anu kaya yun??? Hehehe
Grabeng ‘expanding my horizon’ na ang nangyayari ha…
sana may materialize kahet isa… pero ang alm ko kapag passionate ako sa isang bagay matututo’t matututo ako talaga…