Well, wala dito ang experience ko. Blinlog ko sa bago kong blog. Sunog sa Baesa Q.C.
Posted in Uncategorized | No Comments »
Well, wala dito ang experience ko. Blinlog ko sa bago kong blog. Sunog sa Baesa Q.C.
Posted in Uncategorized | No Comments »
I just read the message from Friendster that blogs in Friendster now have a new look. So I clicked the link to this blog, and was surprised to see the default theme of wordpress. Wordpress isn’t new to me. I have been blogging with Wordpress.Com and sites with wordpress software. I guess, I am glad that Friendster has incorporated Wordpress in their site since it is a very popular blogging software and their blogging users will be exposed to it now… Unfortunately, I wish Friendster have paid credit to wordpress at least and did not own it as their “Friendster Blogs 2.0″.
Posted in Uncategorized | No Comments »
As of July 13, 2007….more than 500 ang average visitors ko araw-araw, at 1,400 page views average per day.
At eto naman ang mga countries na madalas bumisita.
Eto naman ang stat kung gaano katagal magstay ang mga bisita… Madaling araw kasi to, at updated na kaya less than 200 ang visitor total. Ang kinakatuwa ko lang ay mga visitors ako na halos nakababad. Nakakaadik ang statistics. Pwamis
Sa wordpress statistics feature ito naman ang summary nila. Sinimulan ko ang blog na last April 7, 2007. As of July 13, 2007 3:10 A.M. eto ang kaniyang statistics.
Kung bakit eto ang napagka-abalahan ko…. kasi masarap sa pakiramdam ang makilala ang mga taong may parehong interes sayo at nagkakaintindihan kayo. Naiinis din kasi ako sa mga lyrics na pinprovide ng ibang fans diyan. Mali-mali ang lyrics kaya sabi ko magroromanize ako ng sarili ko at kinalat ko ang tamang lyrics sa website ko. Tsaka hitting many birds in one stone nga…
1. kasi ayoko naman istorbohin ang mga friend ko sa friendster sa e-mail nila kaya ako gumawa ng sariling blog.
2. Pagprapractice sa wordpress software para pag desidido na ako maka-control ng website ko talaga, gamay ko na ang software. Ang wordpress… na ginagamit ng mga taong may sariling website. Unti-unti ko na to natutupad.
3. Para makakilala ng mga taong makaka-aapreciate sa pinagpopost ko sa blog. At hindi ako nagkamali. Masarap din ang feeling kapag nakikita mo sa Google Search Engine or Yahoo, ang website mo. Meron ngang isang keyword na nasa number one search result ako eh.
4. Nasabi ko na yung tungkol sa lyrics. Gusto ko maging resource ang website ko para sa mga kapwa ko Korean Addicts. Gusto ko ishare sa kanila ang mga links na napuntahan ko para magamit din nila.
5. Naprapractice ko ang pag-babasa ng Hangul Alphabet / Korean Alphabet.
6. Na-eenhance ko ang pag-iisip ng mga articles for a targeted audience.
7. Kailangan ko isulat ito sa English, so napaprapractice ko ang English pero sa level ng target audience ko, at practicing analysis and creativity at the same time.
8. Nandito ang passion ko ngayon…. wala ako paki kung minsan nakakapagaod as long as may mga visitors ako na walang sawa pabalik-balik… meron akong 110-130 returning visitors according to statistics at 400 unique visitors bawat araw.
So kayo diyan…. kung mayroon kayong isang bagay na masyado kayong passionate, gumawa kayo ng blog. Dapat targeted para mahalin ng visitors. Yung meron silang mapapala. Iwasan niyo magkuwento ng ibat-ibang bagay kasi hindi nmaan nila kayo kilala unless interesado din sila sa topic mo… focused ang topic. Marami diyan ang nag-oofer ng free-hosting service sa blog. At gawin niyong public at ipasa ang url sa mga search engines. Kung may mga tanong kayo o gusto niyo mag-patulong sa akin, sendan niyo ako ng message.
Bye!
Posted in 2007 | 1 Comment »
Sa pag-aasikaso naming ng advertising may mga ganito kaming kuwento…
Una…naghahanap kami ng music para sa aming jingle along Morayta..
Reah: Roni, baka mahirapan tayo hanapin yung kanta kasi luma nay un eh…
Roni: subukan na lang natin… magtanong tayo sa mga nagpapaburn
Reah: sige…
Naglakad sa kahabaan ng Morayta at nilapitan namin ang lalaki sa stall na nagpapaburn..
Lalaki: Ano yun ate??
Roni: may mga soundtracks po ba kayo??
Lalaki: Madami… ano po bang soundtrack??
Roni: Ghostbusters…
Lalaki: (ngiting aso)
Ang ending nagdownload kami ng ghostbusters mp3 from net….wala ghostbusters sa mga nagpapburn..
Pangalawa….
Reah: paano yan hindi ko mabuksan yung file sa computer ko…
Roni: matagal pa naman si kuya wong eh deadline na eh…
Ate Amy: nabubuksan yan…mamaya pag natapos ako ditto..
Reah: Maghahanap na alng kami ng ibang shop ate amy..
Ate Amy: Sige… kayo
Pumasok kami ni Roni sa isang shop….
Reah: Kuya pwede magtanong…
Kuya sa Comp Shop: Anu yun??
Reah: May Microsoft 2007 po ba kayo??
Babaeng katabi ni Kuya: (shocked, may 2007 ba???)
Kuya: wala eh (wawa kami)
Ang ending… wala kaming nakitang shop na may Microsoft 2007… mahirap…
Roni: Mas astig pa yung pagtatanong natin ng Microsoft 2007 eh kesa sa Kuya may ghostbusters ba kayo na kanta…
(^_^)
Posted in 2007 | No Comments »
Expand kung expand
Natutuwa ako sa prof ko ngayon dahil malaki pagbabago in terms of understanding our course na Journalism… Natutuwa ako dahil intinuturo niya ang tamang gawin kapag nasa actual world na kami ng pinili naming propesyon… Hindi ako inis sa kanya…
Isang araw pinasulat niya kami ng experiences na related sa mga phrases na to…
DO be honest.
DO have patience.
DO have values. (Moral values mas maganda)
DO have faith in God.
DO expand your horizon.
Sa mga phrases na to ang nagpasaya sa akin na explanation niya ay yung pang-lima kasi narealize daw niya na
mali pala na ikulong niya kami sa pagsusulat… Kaya matuto daw kami ng ibat-ibang bagay para maging malaki ang edge namin sa ibang taong mag-aaply tulad ng pag-aaral ng driving.
Sa Do be honest, as always honesty builds integrity na hindi ko makakalimutang phrase galing kay prof… tama naman talaga siya dun…
Eto nga pala ang aking list regarding expanding my horizon…
Matutong magtype ng mabilis
Mag-aral magmaneho
Mag-aral magluto
Matuto ng Photoshop
Matuto ng In-Design
Mag-aral ng Korean language…later ay Japanese
Magbasa-basa uli ng history books kasi writer nga ako
Pagbutihan ang American accent
_____ lessons
Nasa isip ko na rin ngayon ang mag-aral ng trouble shooting sa computer lalo na’t gusto ko mag-invest sa isang WOW na computer at laptop.
Ipagpatuloy ang aking interest sa drawing at photography dati..
Hindi naman arts related ang mga gusto kong ipursue ano?? Hindi talaga… heheheh
Kasama din sa listahan ang manuod at magbasa ng kung anu-anu
Gusto ko rin sumama sa isang organization na pwede akong magtravel kung saan saan
Gusto ko rin maexpose sa video editing… hmmmm….. anu kaya yun??? Hehehe
Grabeng ‘expanding my horizon’ na ang nangyayari ha…
sana may materialize kahet isa… pero ang alm ko kapag passionate ako sa isang bagay matututo’t matututo ako talaga…
Posted in 2007 | No Comments »
Nagalit si prof noong isang araw at pinasaexplain sa amin ang nakasulat sa hand-out na ibinigay niya sa amin last meeting… ang masam ditto ay hindi ako nagbasa nung hand-out kasi busy ako sa pag-aasikaso ng advertising kasama ng iba kong classmates… buti na lang at may work experience ako at nasagutan ko ang ito on my own words…pinagdarasal ko lang habang nagsusulat ako ay sana tumugma kahit papano dun sa handout na ibinigay niya..
Una, Explain daw namin ang survival tips at work…
Pangalawa, how to become productive
Pangatlo, how to work with a team
At ang pangalawa sa huli ay psychology of the meaning of work….
Ngayon… sasagutan ko uli ang surprise test ni Sir dahil naisip niya lang itong gawin bilang parusa sa aming klase.. at sasagutin ko na to in Tagalog and in summary (dagdag na yung iba)
SURVIVAL TIPS AT WORK
Magtanong kung hindi alam…
Sumunod sa rules and regulations…wag pasaway para magtagal
Alamin ang profile ng company at tumingin tingin sa bulletin board tungkol sa mga activities or mga bagong balita…
Maging friendly…(matutong magmemorize ng pangalan ng tao at kumilala ng mga mukah)
Matuto mag-observe sa nangyayari sa iyong paligid
Smile.. makipag-usap… batiin ang mga tao sa paligid wag isnabero…(magsuot ng salamin)
HOW TO BECOME PRODUCTIVE
Pumasok ng maaga at iwasang maging late
Sumali sa mga trainings na provided ng company
Sumunod sa deadlines
Pag-aralan ang trabaho ng co-workers malay mo ipagawa rin yun sau baling araw
Mag-basa basa uli ng bulletin board, kahit anong announcements
Alamin mo ang iyong strengths and weaknesses
Makinig sa sermon ng superior…
Makinig sa suggestions at comments…
Check your status at work
HOW TO WORK WITH A TEAM
Umattend ng meeting
Respect your superior
Voice out opinions at suggestions (para maging productive ka din)
Makinig sa co-workers kapag sila naman ang nagsasalita
Umattend ng team building para sa camaraderie
Know the goals of your team at alamin mo kung paano ka makakacontribute maachieve ang goal nay un
Tulungan ang ibang team member na nahihirapan
Know your strengths and weaknesses uli as a member of the team
Check the status of your team
Matutong makisama wag pasaway
PSYCHOLOGY OF THE MEANING OF WORK
Hmmm.. ang sinagot ko lang dun ay nagtratrabaho tayo para kumita ng pera at masuportahan an gating pangangailangan at gusto at suportahan an gating pamilya…kaso kung mahal mo ang iyong trabaho second priority na ang pera at hindi mo na iisipin ang pagod…
Sa mga sagot ko halos malapit sa nakasulat sa hand-out na ibinigay ni Sir last meeting.. buti na lang at may work experience ako.. hehehheheh…
Pero nasagutan namn ng iba kong classmate to eh.. wala sila experience…
Hindi iba pa rin ang feeling na nasagutan mo yung tanong based from experience.. heheheh
Posted in 2007 | No Comments »
Adik daw ako… UU na!!!!
Nagsimula lang ang pagiging adik ko sa kakapanuod ng dvd marathon… Wonderful Life, Perhaps Love, at Princess Hours… pero dati pa interesado na ako pag-aralan ang Korean Language.. Wala lang ako panahon dahil sa work and studies… Ngayon nasisingit ko na kahet papano…
(nangmamarathon din ako ng anime: Full Metal Alchemist "astig")
Na-inlove ako sa soundtrack ng Goong (Princess Hours) ung Perhaps Love… ang panget ng tagalog translation… kinakabisado ko ngaun ung song…
Dito ko nakuha ung lyrics ng Perhaps Love http://www.aheeyah.com/lyrics/ost/ost_goong_rom.htm
tapos sa korean language…. Mas madaling pag-aralan to dahil bawat letter may katumbas na symbols… puring puri nga ang korean language sa article na to eh…
http://www.geocities.com/Tokyo/Pagoda/1876/hangul.htm
Trinay ko rin i-Korean ang REAH… palagay ko naman tama ang ginawa ko pagcoconvert.
Ang problema lang daw sa Korean Language mahirap i-romanize.. wala pa kasi silang standard romanization. http://www.mct.go.kr:8080/english/K_about/Language04.html
Bukod sa koreanovelas, nagmarathon din ako ng tsinovela… ang "It Started With a Kiss"… Ang galing ng babae dun… (panget talaga ang mga filipino dubbing) Sa sobrang adik ko naiimagine ko na lng bigla na tinatabihan ako ng mga lalakeng bida… hahahahha… feeling…Zhi Zhou love ko..
Gusto ko din ost ng ISWAK kaso di ko makabisado.. hirap ipronounce ng chinese…rap din kase…makikinig na lang ako…
click the link para sa lyrics ng say u love me
http://wiki.d-addicts.com/It_Started_with_a_Kiss_OST
Noong nasa Caliraya kame para sa retreat may mga KOREANs… waaa…. gusto ko sana sila gawing friend.. mga teenagers to early 20’s… hindi ako naghahanap ng papa…hanap ko friend… kaso hindi ko pa masyado kabisado ang mga common phrases tsaka mabibilis sila magsalita… hanggang annyeonghaseyo at annyeong lang masasabi ko…
Ganun din nangyari sa pagpunta namin ng DUOLOS… ung floating bookstore… waaaa….daming koreano…
Posted in 2007, Korean related | 1 Comment »
Nakain niyo na ba ang Meal C sa Greenwich? Ako.. hindi ko na mabilang… hindi ko sinasabi na madami ako pera kaya ko un nabibili, ang ibig ko lang sabihin ganun ako katakaw. Hahhahaha..Pagkatapos ko kumain mahirap tumayo sa kinauupuan… Papatusin ko na rin sana ang Tokyo Tokyo dahil unlimited rice, kaso hindi naman me mahilig sa Japanese foods, madami gulay dun diba? Pero next time try ko ule.. Gusto ko yata makapunta ng Japan, South Korea, Taiwan, Hongkong, Greece, UK, US, Italy, France, Jerusalem, Spain, Mexico, Canada at madami pang ibang bansa. Kailangan matuto ako kumain ng food ng ibang bansa… (Dami ko pala gusto puntahan).
Speaking of food, sana magkalaman na ako ule…ayoko na maging skinny..heheheh…kahet uso sa Hollywood ngayon ang skinny tulad ni Nicole Richie, madami naman manlalait… Hehehe..Konti lang kase binabgayan sa skinny body.
Katatapos ko lang kumain ng Meal C kanina. Baka matatagalan bago ule ako makakain… Haay.. Di ko nga lang naubos yung manok kase panget ng pagkakaluto. Buti na lang mejo matamis tamis yung pineapple juice kanina. Sunog na rin yung pizza…pero kinain ko kase nagbayad ako eh.. Hinuli ko yung brownies… saved the best for last. hehehehe.. sarap…
Naalala ko dati… Tatlo kaming magkakaibigan, nagpunta sa Greenwich para kumain. Pumila kami at nagkukuwentuhan muna kse mahaba pila. Sabi ni Friend A sa amin ni Friend B, "Oi, pacenxa na kau sa oorderin ko ha. Gutom lang talaga ako." Nagtanong kami ni Friend B kung anu ba oorderin niya. Sumagot si Friend A, "Meal C."
"Hahahahha!!! Meal C din kame eh!!!"
Haaayyy…Sinu kaya silang matatakaw?
Posted in 2007 | 1 Comment »
Pakiramdam ko bagong student ako ng CEU. Excited pumasok (except the word late–nandun pa rin) basta excited ako. Yung mga corners before ay naaapreciate ko na, kung dati ay wala lang…siguro dahil sa wala na me work…isa na uli akong hamak na estudyante–pakawala. kung maglakad ako sa pasilyo pakiramdam ko lahat bago sa paningin parang ows? Hindi nga? Talaga? Sige sama ako.. o sige go!!! hahahahha… pero dati..wala lang…ayoko.
Iniisip ko din dahilan ay dahil bagong taon na.. pero ngayon ko lang din naramdaman ang ganitong appreciation sa bagong taon.. excited ako sa 2007. Hindi ko alam kung baket.. hahahhaha… basta pakiramdam ko maganda ang taong ito.
Hmmm..magtitipid na nga pala me ule dahil hindi naman ako nag-ipon sa aking suweldo no…madami ako pinamili ewan ko kung nasaan… hehehehe..
Posted in 2007 | No Comments »
2007 is here—time of new things in my life. New outlook, starting the year right.
I am not saying I give up those things you have in mind (in 2006). I just felt I want to explore the things around me, feel what life really is. I still want to grow as an individual. Many great possibilities await me and I want to experience them. I do not know what will happen, but I am sure things will be alright. Again I did not give up. I just want to discover the truth on my own.
Posted in 2007 | No Comments »